on Biyernes, Pebrero 10, 2012
BOW.

Hindi ko talaga malaman sa sarili ko kung bakit hirap na hirap akong ipost ang ga blog ko na halos ikawala na ng pag oorghanize ng mga ideya sa aking utak. Naiinis ako. Siguro hindi lang talaga maiwasan na unahin ang mga mas importante pang bagay para mgbolg. 

TAMA BA?
Ngunit ano nga ba yung mga bagay na inasikaso ko na mas importante pa sa pag blog ko ng mga nagugustuhan kong punto ng aking buhay?


UNA na dito ay ang aking pagiging Pre-service teacher, off campus na ako! Hindi nakakatuwa ang hirap na dinadanas ko para lang pumasok ng maaga, mag gawa ng lesson plan sa 2 seksyon at hindi rin madali ang makisama sa mga bagong esttudyante na aking tinuturuan. Grabe. As in. Hindi talaga nakakatuwa dahil kailangan mong magpasensya at umunawa sa mga aestudyante dahil may kanya kanya silang istorya ng buhay. 
Kailangan mo silang tulungan matuto hindi lang ng lesson na tungkol sa mathematics kundi ang lesson ng buhay. 

PANGALAWA, ang aking pagiging buhay estudyante. May inaasikaso ako bilang isang presidente ng volunteer organization ng school ang Salulo ng Kultura at Sining at sumali din ako sa cheering squad ng SEAS sa darating na Intramurals at Foundation day. Hindi na nga ako nakaattend ng training ng cheering. naku naku.!


PANGATLO AT HULI, student assistant din ako sa office ng Culture and Arts at nagkakataon talaga na medyo bumibusy din ang opisina. Malapit na ang audit namin at nafifeel kong sakin nakasalalay ang mg aito dahil hawak ko ang filing system ng office. Pumapasok na nga akong tuwing sabado at nagextend gang 7pm pag weekends. 


ANO PA BA?
NAkita ko na naman ang priotiry firsts ko. Kaya medyo matumal akong magblog. Babawi naman ako para magkwento pa di ba. Hindi naman siguro graded ang buhay ko dito sa blog. hahaha