Firsts, then BLOG.

#
BOW.

Hindi ko talaga malaman sa sarili ko kung bakit hirap na hirap akong ipost ang ga blog ko na halos ikawala na ng pag oorghanize ng mga ideya sa aking utak. Naiinis ako. Siguro hindi lang talaga maiwasan na unahin ang mga mas importante pang bagay para mgbolg. 

TAMA BA?
Ngunit ano nga ba yung mga bagay na inasikaso ko na mas importante pa sa pag blog ko ng mga nagugustuhan kong punto ng aking buhay?


UNA na dito ay ang aking pagiging Pre-service teacher, off campus na ako! Hindi nakakatuwa ang hirap na dinadanas ko para lang pumasok ng maaga, mag gawa ng lesson plan sa 2 seksyon at hindi rin madali ang makisama sa mga bagong esttudyante na aking tinuturuan. Grabe. As in. Hindi talaga nakakatuwa dahil kailangan mong magpasensya at umunawa sa mga aestudyante dahil may kanya kanya silang istorya ng buhay. 
Kailangan mo silang tulungan matuto hindi lang ng lesson na tungkol sa mathematics kundi ang lesson ng buhay. 

PANGALAWA, ang aking pagiging buhay estudyante. May inaasikaso ako bilang isang presidente ng volunteer organization ng school ang Salulo ng Kultura at Sining at sumali din ako sa cheering squad ng SEAS sa darating na Intramurals at Foundation day. Hindi na nga ako nakaattend ng training ng cheering. naku naku.!


PANGATLO AT HULI, student assistant din ako sa office ng Culture and Arts at nagkakataon talaga na medyo bumibusy din ang opisina. Malapit na ang audit namin at nafifeel kong sakin nakasalalay ang mg aito dahil hawak ko ang filing system ng office. Pumapasok na nga akong tuwing sabado at nagextend gang 7pm pag weekends. 


ANO PA BA?
NAkita ko na naman ang priotiry firsts ko. Kaya medyo matumal akong magblog. Babawi naman ako para magkwento pa di ba. Hindi naman siguro graded ang buhay ko dito sa blog. hahaha 

BASTA!

#
emanhanstidoso:

Gumagamit ba kayo nang BASTA? haha
ha ha! ang gulo ng previous blog ko. aruuuuy...yung mga photos ko kase nawala! =(((

Ang Pagtatanghal sa PACUCOA General Assembly

#
Halos hindi na ako natulog para lang magising ng maaga dahil ang call time sa Letran Calmba ay 5am. Gabi na nga kaong umuwi dahil ytinapos ko pa ang pagplaplantsa ng mga costume ng mga bata para naman maaayos silang tingnan habang tumutugtog.

Kulbit Bulilit Rondalla ng Letra Calamba
This are my babies. Sila ang mga kasama kong tumugtog ng banduria, octavina, gitara at Bajo de Arko. Makukulit yang mga yan ngunit magagaling sa pagtugtog. 


Habang ineensayo ang iba pang pyesa



Eza at Jamie
Eza at iba pang Tining members




Eza, Akira at Jamie, nasa harapan ng isang malaking salamin sa Century Park hotel.

Isang ensayo para sa pagtatanghal

MBC Semi Finals

#
Hindi ko iaasahan na makaksama akong manuod ng granda finals ng MBC sa may Star City. Biglaan talaga siya, yung tipong katatapos ko palang magturo, tas sinabihan na agad ako ni Ma'am Rica na maaari na akong sumama sa grupo at san ka, Letran Bus ang Sasakyan.

This photo was courtesy of me but the camera wasn't mine. This photo was taken at the end of the competition.


Ang Pagiging Guro

#
Nagsimula na aking pagiging guro (pratice teaching), at hindi ko inaasahan na napakasaya ng aking nararamdaman habang papalapit sa paaralan. Ibang iba sa karaniwang Demo teaching kung saan ang mga estudyante ay ang iyo ring mga kaklase. Nayon, hindi na ganoon. Mga estudyante na talaga ang aking tinuturuan. Hindi ko aakalain na aabot ako ng ganitong katagal na dating nagsasabing hindi ako magtuturo pero ngayon, excited na excited nang magturo.


Hindi ako nahihirapan magturo kasi nararamdaman kong gusto ko yung ginagawa ko. Hindi ko na rin inaaalala ang mga iba't ibang ugali ng mga estudyante ko kasi may tiwala ako sa sarili ko na kaya konaman silang disiplinahin. Medyo kakaiba akong magturo dahil hindi pa naman talaga ako isang ganap na guro. Estudyante pa dinnaman ako kaya nararamdaman ko lahat ng mga inaasal nila. 

2 Darwin with Their Adviser, Ms, Nancy B. Nahial and also she is my cooperating teacher. 

One message RECEIVED

#
Nagsimula na naman ako s mga naiisip ko. Dahil sa isang text message maaaring magbago ang iniisip, pakiramadam o kung ano pa man. Basta may magbabago. Iba na talaga ang mga tao ngayon, lalo na ang mga kabataan. Inaaamin ko naadik din ako sa teknolihiyang cellphone at hindi ko maiwasan ang magtext lalo na sa taong gusto mong makatext na halos pinagpupuyatan pa. Tama naman ako di ba?



 Kung sakaling makareceived ka ng text na ito... Masakit di ba?
hayy na ko. Kaya ko nasimulan itong posts na ito dahil naiinis na ko kung pano manira ang tao sa pamamagitan ng text. Hindi naman sa mabait ako pero sobra na kasi ang mga ganyan. Nung nakareceive ako ng b=ganun text, hindi ko na ieelaborate kase maiinis ka din, eto sana ang gusto kong itext sa kanya. 






  

 "I think it's kinda stupid for you to say what you just did. Who are you to talk like someone, your just a man, just a normal human, anytime you will die then buried below the ground. And you will be remembered and forgotten just as the time goes by. You may be the reason of the fall but never underestimate when he becomes strong. Just because you make him fall doesn't mean you are strong. But simply saying that YOU ARE A FOOL USEFUL COWARD. Thanks to you, he knows how to act human."



hope the foolish useful coward could read this. 

7 steps...

#
Seven Steps


 
 

These are the steps I use to guide me everyday. Hope it'll help you. ♥
#
Yung feeling na, bonus na sana yung question, tapos may epal na aapila.
Kaasar yun. 
Maka-sarili! 
Porke’t siya lang naka-kuha ng tamang sagot. Sarap batuhin sa mukha.

 Hayy nako. bigla kong namiss ang mga minor subjects ko. plibhasa ngayong last Sem ko na dito sa Letran Calamba, Practice Teaching na ako... AKO NA ANG MAGBIBIGAY NG MGA QUIZ AT KUNG ANO PA MAN. 
Good Luck na lang. =)

Kakalat..

#


ANG KALAT NG KWARTO KO.
Noong nakaraang Lunes, naisipan kong bisitahin ang mga modules ko na about sa education para maayos ko na ang mga rerebyuhin ko para sa Licensure exam for Teachers kahit na napakatagal pa niya. June pa nga ang pagkakaalam ko.

Pero iba pa din dahil may tinatarget ako or sabihin na natin na ma GOAL AKO. =)
at eto yun, 
http://www.letran-calamba.edu.ph/feat_updates04.html - kung gusto nyong mabasa ang buong article
Sinusubukan ko talagang magsipag para hindi ko malimutan at para na rin ma achieve ang goal ko. =) Kayang kaya ko ito. Ako pa.