on Lunes, Disyembre 12, 2011
Nagsimula na aking pagiging guro (pratice teaching), at hindi ko inaasahan na napakasaya ng aking nararamdaman habang papalapit sa paaralan. Ibang iba sa karaniwang Demo teaching kung saan ang mga estudyante ay ang iyo ring mga kaklase. Nayon, hindi na ganoon. Mga estudyante na talaga ang aking tinuturuan. Hindi ko aakalain na aabot ako ng ganitong katagal na dating nagsasabing hindi ako magtuturo pero ngayon, excited na excited nang magturo.


Hindi ako nahihirapan magturo kasi nararamdaman kong gusto ko yung ginagawa ko. Hindi ko na rin inaaalala ang mga iba't ibang ugali ng mga estudyante ko kasi may tiwala ako sa sarili ko na kaya konaman silang disiplinahin. Medyo kakaiba akong magturo dahil hindi pa naman talaga ako isang ganap na guro. Estudyante pa dinnaman ako kaya nararamdaman ko lahat ng mga inaasal nila. 

2 Darwin with Their Adviser, Ms, Nancy B. Nahial and also she is my cooperating teacher.