on Lunes, Oktubre 3, 2011
Ako'y nalilito
nakakapanibago
bakit ganito
nalulungkot ako

Masakit sa ulo
puso'y magulo
utak ko'y sarado
ako'y nabablanko

Bibig ko'y natahimik
mata'y nananaginip
sandaling pumuslit
sa hirap at sakit

kamay' namilipit 
katawang hinanakit
bakit ganito ang sinapit
ng pusong malupit

Ngunit ipagpapatuloy
bubulong sa iyo
na sadya'y minsang ganito
ang kakaibang akda nito.

-Grezza Marla D. Calo 10-4-2011