on Lunes, Oktubre 3, 2011
Alam mo yung nag alarm ako dahil dapat gumising ako ng 3am para maligo at dapat 4am makaalis na ng bahay para dumating ng 5pm sa Colegio de San Juan de Letran Calamba para sa assembly

PERO


hindi ako nagising sa alarm at ginising ako ng nanay ko dahil 5am na. grabeh! 15mins ang pagligo at pagbibihis. nakaktawa talaga. 6am ako dumating ng school at malapit na ako sa gate ngmakita kong palabas na yung jeep ng mga kaklase ko. 

YES BUTI NA LANG UMABOT AKO!
NAKAKATAWA TALAGA. =)))

may kahabaan ang byahe at pagkatapos ko kumain ngtatlong chocolate na PANAGINIP (DREAM)  after maen ayun nakatulog ako.

then we are in Batangas na at we are lost. kamusta naman yun.
Buti na lang madami ding naligaw. kase naman.


Eto ang nakuhaan ko nung hindi pa nagsisimula ang Quizbee.
Actually, lahat ng mga yan ay education students at Region 4a pa lang yan...CALABARZON.

ang malakihan larawan, sa kaliwang panig ko, kaliwa pa din at pinaka kaliwa ko.

Napakatagal magsimula ng quizbee kaya nagyaya ang mga kaklase ko na kumain muna sa labas, sa sobrang aga nila para sa assembly lahat sila hindi na nagbreakfast kaya ayun. Nagyaya ang isa na kumain ng FAMOUS LOMI NG BATANGAS! =)
yung nasa larawan ay ang special order dahil naisip namin na kaunti ang regular para sa aming anim. kaya ayun. pagka order...nagkamatayan kame sa pag ubos kase...
hindi namin inakala na ganun para karami iyon, grabe ha.


ang apat na special order na lomi


haha. andame. as in 40php lang naghati pa kame sa isang bowl. Walang narating hindi pa rin namin naubos. 
ayun.
eto pa yung saken na pinagtyatyagaan ko ng ubusin.
ang hindi ko maubos na lomi
ang natirang lomi

Pagkatapos hindi tapusin ang pagkaen ng super LOMI. bumalik na ulit kami sa loob ng Coliseum, nga pala malapit ang Coliseum sa Batangas State University.
At eto ang nadatnan namin, 






Maraming nagbabalak na maging guro di ba.


Ang nanalo ay ang mga sumusunod
1st Place - Pamantasan ng Montalban - Rizal - 24/30
2nd Place - University of Batangas - 23/30
3rd Place - De La Salle Lipa - 22/30


at huling banat picture with friends, lunch sa Chowking, no choice kase madameng tao sa ibang kainan.


Ayun lamang.