on Huwebes, Setyembre 29, 2011
ayan na naman ako. bigla ko na namang natanong ang sarili ko…
bakita nga ba ako umiibig?
isa na namang palaisipan. pero napag isipan ko na yan. lagi namang pag tungkol sa pag ibig, isa itong malaking palaisipan na laging walang tamang sagot at wala ring maling sagot, tama ba?
balik sa aking katanungan, bakit ako umiibig.
una.
may kulang sa buhay ko pag hindi ako naiinlove or kahit walang kilig vibes. may kulang talaga.
hindi naman sa dapat may taong minamahal ka para masabi mong umiibig ka, at hindi lang tao ang iniibig. may mga panahon nga ako na umiibig sa pagkaen, alagang hayop o kahit sa mga simpleng bagay na nangyayari sakin. umiibig na ako nun. kasi naman iba na ang tingin ng mga tao sa salitang umiibig or what so ever, ang naiisip agad nila umiibig sa tao.paano ko nasabi na may kulang…ganito yon.dumating ako sa point na ayoko na magmahal.period.habang naglalakad sa campus, bigla kong napagtanto na may kulang sa akin. nasabi ko sa sarili ko, hindi ko pipigilan ang sarili ko na umibig kahit na nasasaktan kasi ito yung nagiging dahilan kung bakit ako nabubuhay. iniibig ko ang mga bagay na ginagawa ko, ang mga taong nakapaligid sa akin at ang mga bagay na kinaaaliwan ko. ayan. so iniibig ko ang TUMBLR. =)
pangalawa.
ito na lang ang maibibigay kong libre sa mga taong nagmamahal sa akin, nag-aalaga at umaalala.
magaling akong magmahal. paano ko nasabi? mas mahal ko ang mga taong nananakit sa akin kasi alam kong kailangan nilang ma-realize na may nagmamahal sa kanila kahit ganoon sila. sila yung mga taong kulang sa pagmamahal kaya sila nananakit ng damdamin ng iba. mahal ko ang mga taong mahal ako. napansin ko nga na ang mga tao, lalo na pag sa pag-ibig, pipiliin pa nilang masaktan basta lang mahalin ang kanilang pinakamamahal. hindi ko na kailangang magbigay ng halimbawa kasi alam kong kayo din handang masaktan para sa pinakamamahal ninyo.
pangatlo at huli.
bahagi na ng utak, gawain at buhay ang umibig.
oo. ako yung tipong inlove lage.kasi inspirasyon ko ito, ang pagmamahal. iba pa rin ang ngiti ng crush mo tapos mapeperfect mo yung quiz, yung pag may boyfriend ka na nagmamahal sayo halos masabi mo na sa exams mo ang pangalan niya at perfect ulit ang exam. ang umibig ang inspirasyon ko sa lahat. sabi ko nga, ang taong hindi kinikilig ay tinakwil ang pag-ibig. d ba, ang sarap ng feeling inlove. ako inlove ako sa crush kong drummer pero may gf siya. pero iba pa din kahit na may gf siya crush ko pa din siya. ewan ko hindi ko na hinahangad na maging kami, ang magkaibigan ay sapat na. matagal ko ng tinanggal sa katawan ko ang salitang selfishness. pero iba talaga. okay na ko sa kilig vibes. =)
kakaiba na ako. bakit nga ba kayo umiibig?
ako umiibig kasi hindi ko alam. basta masaya ako =)
e kayo?
-eza dalawa