on Huwebes, Setyembre 29, 2011
Sa aking huling taon sa kolehiyo
Medyo nag-aalinlangan ako
Kung kakayanin ba ng alaala
Ang iiwan na saya’t dusa
Na sa huling taon lang madadama.
Noong una napagtanto ko na
Konti na lamang at magmamartsa na
Alam mo yung pakiramdam
Na masaya’t magwawakas na
Na malungkot at magwawakas na.
Kung tutukuyin ang lahat ng pangyayari
Maaaring humaba pa ang mga sinasabi
Wala nang makakapagpaliwanag pa
Kapag alaala, puso at isipan
ang nagkakasundo para mabuo ang memorya.
Sa aking huling taon sa kolehiyo
Medyo nagdadamdam ako
Kung kakayanin kong iwanan
Ang mga taong nandyan sa saya’t dusa
Na sa huling taon lang madarama.
bow
- Eza, Nagiisa. ♥